Ito ang noodle dish na niluto ko para sa aming Chinese New Year breakfast. Sa mga ganitong okasyon hindi pwedeng mawala ang noodles dahil sa pamahiin ng mga Tsino for long life ang noodles. Also, ang mga sangkap na inilagay ko dito ay hotdogs lang at sliced mushroom. At dahil Chinese new year nga, red sauce ito at swerte daw ang bilog-bilog. hehehe
Italian style spaghetti sauce ang ginamit ko pero nilagyan ko pa rin ng kaunting asukal para mawala ng kaunti ang asim ng sauce. And as expected winner ito sa aking pamilya. hehehehe.
ITALIAN SPAGHETTI with HOTDOGS and MUSHROOMMga Sangkap:
500 grams Spaghetti Pasta (cooked according to package direction)
560 grams Del Monte Italian Style Spag Sauce
400 grams Purefoods TJ Hotdogs (sliced)
1 big can Sliced Mushroom
2 tbsp. Brown Sugar
3 tbsp. Olive Oil
2 cups grated Cheese
1 cup Melted Butter
1 head Minced Garlic
1 pc. large White Onion (chopped)
Salt and pepper to taste
Paraan ng pagluluto:
1. Lutuin ang spaghetti pasta according to package direction. Huwag i-overcooked. I-drain at ihalo ang melted buter.
2. Sa isang kaserola, igisa ang bawang at sibuyas sa olive oil.
3. Sunod na ilagay ang hotdogs. Halu-haluin at hayaan ng ilang sandali.
4. Sunod na ilagay ang sliced mushroom kasama ang sabaw nito. Hayaang kumulo.
5. Sunod na ilagay ang Italian spaghetti sauce at timplahan ng asin, paminta at brown sugar.
6. Huling ilagay ang 1 cup na grated cheese. Haluin
7. Tikman ang sauce at i-adjust ang lasa.
Ihain ang spaghetti sauce habang mainit pa kasama ang nilutong pasta. I-serve na may grated cheese sa ibabaw.
Enjoy!!!!!
0 Yorumlar